Sanggol binugbog ng adik na ina
September 16, 2002 | 12:00am
Isang 26-anyos na dalagang ina na bangag sa droga at alak ang dinakip matapos nitong gulpihin ang sanggol na anak dahil sa walang-tigil na pag-iyak ng huli kahapon ng tanghali sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Sheila Amora ng Calatagan St., Brgy. Palanan, Makati.
Samantala, ang biktima na nakilalang si Elena Grace, 1-taon at dalawang buwang gulang, ay nagtamo ng pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Mylene Juan ng Womens and Childrens Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-12 kahapon ng tanghali sa kahabaan ng Calatagan St.
Nabatid na nasa impluwensya ng droga ang suspek at nakihalubilo ito sa isang grupo na nag-iinuman ng alak habang karga naman ang kanyang anak.
Dahil sa bangag ay nakulitan at naasar ito sa umiiyak na biktima kaya walang awa itong ginulpi. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended