Mayor Malonzo tatakbo sa Kongreso
September 16, 2002 | 12:00am
Nagpasya kahapon si Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo na ituloy nito ang paglilingkod sa kanyang mga constituents sa pamamagitan ng pagtakbong kongresista sa unang distrito ng lungsod sa halip na mapabilang sa senatorial ticket ng Peoples Power Coalition (PPC) sa 2004 elections.
Ito ang sinabi ni Mayor Malonzo sa exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon (PSN) kaugnay sa naging desisyon nitong tumakbong kongresista sa 1st district ng lungsod sa halip na kumandidato bilang senador.
Ayon kay Malonzo, mas pinili niyang tumakbo bilang mambabatas sa unang distrito ng lungsod upang maipagpatuloy umano niya ang paglilingkod sa kanyang mga kababayan.
"My purpose is to continue more developments sa 1st district and to regain lost territories," wika pa ni Malonzo.
Naunang ipinahayag ni Malonzo na hindi na ito interesadong tumakbo sa anupamang posisyon para suportahan na lamang ang kanyang pambato sa darating na mayoralty race sa 2004 na si Gigi Emnace-Malonzo laban kina Caloocan 1st Dist. Rep. Enrico Echiverri at Caloocan 2nd Dist. Rep. Edgar Erice.
Subalit dahil sa matinding kahilingan ng mga residente mula sa 1st district ng lungsod sa kanya na tumakbo bilang kanilang kinatawan at kamara ay walang nagawa ito kundi pagbigyan ang "sigaw" ng mamamayan.
Samantala, ipinapalagay naman ng ilang political observers na kaya umano pinili ni Mayor Malonzo na tumakbo bilang kongresista sa 1st district ng lungsod sa 2004 elections ay dahil "natatakot" umano itong makaharap si dating 2nd dist. Rep. Luis "Baby" Asistio na napabalitang tatakbong muli bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lungsod.
Sinabi naman ni Malonzo na hindi siya natatakot na makaharap si Asistio sa congressional race. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended