Doktor walang pambayad sa renta binoga, patay
September 16, 2002 | 12:00am
Isang doktor ang binaril at napatay ng dalawang kalalakihan matapos umanong walang maibayad ang una sa inuupahan nitong bahay kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.
Binawian ng buhay noon din ang biktimang nakilalang si Dr. Jose Austria, 46, ng #7361 Rosal St., Phase 9, Marcelo Green Village, Brgy. Marcelo ng lungsod na ito sanhi ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre 45 baril.
Samantala, kaagad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek matapos isagawa ang pamamaslang.
Ayon sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Nabatid na kumatok ang dalawang suspek sa pinto ng bahay ng biktima at pinapasok naman ito ni Austria.
Ayon sa ilang kapitbahay na nakarinig, sinisingil umano ng mga suspek ang naturang doktor ng upa nito.
Ngunit hindi nakapagbayad ang biktima dahil gipit pa ito sa pera hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Walang sabi-sabing kinuha ng isa sa suspek ang nakatagong kalibre 45 at pagkatapos ay pinaputukan sa ulo ang doktor na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang kaso at pinaghahanap ng pulis ang dalawang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended