Amang nanghalay ng anak, nagtangkang magbigti

Isang 55-anyos na ama ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng umaga sa loob ng bilangguan makaraang makonsensiya sa ginawa niyang panghahalay sa 13-anyos niyang anak, kamakailan.

Ginagamot sa Ospital ng Makati si Rogelio Diaz, ng Barangay Pembo ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng detention cell ng CID ng Makati City Police.

Nabatid na kinuha ni Diaz ang nylon cord na itinali nito sa kanyang leeg.

Naagapan naman ng iba niyang kasamahan sa selda ang tangkang pagbibigti ni Diaz.

May hinala ang pulisya, na labis na nakonsensiya si Diaz sa ginawang kasalanan sa sariling anak na naging dahilan ng kanyang pagkabilanggo kaya naisip nito ang magpakamatay na lamang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments