^

Metro

Driver, pasahero nalason ng carbon monoxide sa loob ng taxi

-
Isang taxi driver at isa sa tatlo nitong pasahero ang iniulat na nalason ng carbon monoxide mula sa taxi na kanilang sinasakyan, kamakalawa ng hapon sa Ayala Avenue, Makati City.

Kapwa isinugod sa Makati Medical Center ang mga biktima na nakilalang sina Jesus Homillano, 56, taxi driver, ng Valenzuela City at Michelle Roxas, 22, ng Caloocan City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Dexter Castor, ng homicide section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:56 ng hapon habang binabagtas ng taxi na Shimbel at Shaina taxi na minamaneho ni Homillano ang Ayala Avenue ng bigla na lamang itong mahilo at mahirapang huminga maging ang pasahero niya na nakaupo sa unahan na si Roxas.

Gayunman, ang dalawang kasama ni Roxas na sina Noreen Daley at ang Hapones na si Yutaka Iwamote na nakaupo sa likuran ng taxi ay hindi naman naapektuhan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima at doon natuklasan na nalason ang mga ito sa sumingaw na carbon monoxide buhat sa nag-leak na aircon ng naturang taxi. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA AVENUE

CALOOCAN CITY

DEXTER CASTOR

JESUS HOMILLANO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

MICHELLE ROXAS

NOREEN DALEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with