^

Metro

Milyon-milyong utang ng CBCP, 'disaster ' sa IT industry

-
Ang malaking pagkakautang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa pagbagsak ng isang negosyo nito ay bumabagabag ngayon sa iba’t ibang sektor ng kalakalan, lalung-lalo na sa industriya ng information technology (IT).

Ito ay ibinunyag ng Quadpro, isang IT dealer na nag-supply sa Simbahan ng mahigit na P12 milyong halaga ng computer hardware at peripherals para sa CBCPNet, ang kumpanyang itinatatag ng CBCP upang maging Internet Service Provider (ISP) at systems integrator nito.

Subalit ang CBCP ay bumagsak at nag-iwan ng pagkakautang na mahigit sa P300 milyon (P327,229,863.29) batay sa "due diligence report" ng isang accounting firm noong nakaraang taon.

Dahil dito, marami sa mga pinagkakautangan ng Simbahan ang siya ngayong namumroblema kung saan sila kukuha ng pambayad sa kanilang mga suppliers, ayon kay Jonathan Khonghun ng Quadpro.

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CBCP

DAHIL

INTERNET SERVICE PROVIDER

ISANG

JONATHAN KHONGHUN

QUADPRO

SIMBAHAN

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with