^

Metro

Director ng Lung Center, sinuspinde

-
Sinuspinde kahapon ni Pangulong Arroyo ng 90-araw si Dr. Fernando Melendres, bilang executive director ng Lung Center of the Philippines.

Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo si Health Secretary Manuel Dayrit na magtalaga muna ng OIC sa pagamutan habang suspendido si Melendres.

Sa administrative order number 39, inatasan ng Pangulo si Presidential Anti-Graft Commission Chairman Danilo Rama na magsagawa ng pormal na imbestigasyon laban kay Melendres kaugnay ng mga anomalyang kinasasangkutan nito.

Ang aksyon ng Pangulo ay bunsod ng mga reklamo ng medical staff ng Lung Center laban sa kanilang director.

Inakusahan ng mga empleyado sa pagamutan si Melendres sa umano’y ilegal na pagbili ng presentation banner nang walang public bidding. Nameke din umano ito ng dokumento ng architectural consultant at pambubulsa ng cash advances. (Ulat ni Ely Saludar)

DR. FERNANDO MELENDRES

ELY SALUDAR

HEALTH SECRETARY MANUEL DAYRIT

INAKUSAHAN

LUNG CENTER

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

MELENDRES

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION CHAIRMAN DANILO RAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with