Taxi riders reresibuhan na - LTFRB
September 14, 2002 | 12:00am
Lalagyan na ng receipt machine at radio communication ang lahat ng mga papasok na bagong taxi sa bansa laluna sa Metro Manila.
Ayon kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Dante Lantin na sa pamamagitan ng paglalagay ng makina para sa resibo at radio communication sa mga taxi units, higit na mapapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.
Sa resibo, nakatala umano dito ang pangalan ng operator ng taxi, telephone number, plate at franchise numbers at ang ibinayad na halaga. Ang resibong ito ang ibibigay sa mga pasahero.
Kung may reklamo, mabilis umanong maisusumbong sa alinmang LTFRB office sa bansa para agad namang maaksiyunan.
Ang ganitong bagong sistema na ipinakikilala ng LTFRB ang siyang nakapaloob sa isang memorandum order na matagal ng nalagdaan ng LTFRB board, subalit ngayon lamang maiipaimplimenta. Ang kautusang ito ay sasaklaw lamang sa mga papasok na mga bagong taxi.
Nilinaw din ni Lantin na ang bibigyan lamang nila ng bagong franchise ay yaong mga taxi operator na may 10 unit o mahigit pa. Kung bababa sa sampu ang unit ay sarado ang tanggapan para sa pagkakaloob ng bagong linya.
Ang mabibigyan naman ng mga bagong linya ay dapat maglagay ng receipt machine at communication radio at sa mga hindi susunod ay ikakansela ang kanilang prangkisa.
Ang machine receipt at radio communication system ay nagkakahalaga ng P25,000. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended