British Embassy ginulantang ng bomb threat
September 13, 2002 | 12:00am
Pansamantalang inilikas kahapon ang mga British diplomat at kawani sa kanilang embahada sa bansa makaraang makatanggap ng tawag sa telepono buhat sa isang hindi nagpakilalang caller na nagsabing sasabog ang naturang gusali kahapon ng umaga sa Makati City.
Ayon kay SPO1 Edwin Quilala, ng SWAT dakong alas-8:25 kahapon ng umaga nang matanggap nila ang impormasyon na mayroon umanong itinanim na bomba sa Locsin Building na nasa Ayala Avenue ng nabanggit na lungsod na dito nag-oopisina ang British Embassy.
Dahil dito, agad na inilikas ang mga empleyado sa naturang embahada, gayunman matapos ang may dalawang oras na inspeksyon walang nakuhang anumang bomba.
Dakong alas-9:30 din kahapon isa pang bomb threat ang natanggap sa may Jacinta Building sa EDSA Avenue ng nabanggit na lungsod.
Muli nagpanik ang mga empleyado na nag-oopisina dito, gayunman negatibo din sa bomba ang gusali matapos ang isinagawang inspeksyon.
Samantala, nagkaroon din ng bomb threat sa New Zealand Embassy na ang tanggapan ay nasa Kingspoint Bldg., sa panulukan ng Pasong Tamo at Dela Rosa St. sa Makati.
Matapos ang isinagawang inspeksyon, walang nakuhang bomba at pawang pananakot lamang ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended