^

Metro

Pupil hinataw ng bote ng guro

-
Malamang mapurnada ang maayos na pagreretiro ng isang 63-anyos na titser matapos itong ipagharap ng kasong child abuse dahilan sa pamumukpok ng bote sa kanyang 8-anyos na estudyante sa Mandaluyong City.

Dumulog kahapon sa Mandaluyong City Police upang magharap ng reklamo ang mag-amang sina Romeo Celestial, 46, at anak na si Ronnie, grade 2 pupil sa Ilaya Elementary School sa Brgy. Barangka Itaas ng nabanggit na lungsod laban sa gurong si Gng. Epilinda Aranza, adviser ni Ronnie.

Nabatid na si Ronnie ay nagtamo ng may isa at kalahating pulgadang tahi makaraang pumutok ang ulo ng umano’y hatawin ng bote ng mineral water ng kanyang gurong si Aranza.

Base sa sumbong, naganap ang insidente noong Lunes ng hapon ng sunduin ni Romeo sa paaralan ang anak at laking gulat nito ng makitang duguan ang suot nitong uniporme at ng kanyang tanungin ang adviser ay sinabing dahil sa kalikutan nito. Gayunman nang komprontahin niya ang kanyang anak ay isinumbong nito na pinalo siya ng bote ng mineral water sa ulo ng guro.

Sinabi ng guro na hindi niya napigilan dahil sa sobrang kalikutan ng bata, gayunman sinabi nito na dati ng may sugat sa ulo ang bata at dumugo lamang ng kanyang mapalo. (Ulat ni Joy Cantos)

ARANZA

BARANGKA ITAAS

BRGY

EPILINDA ARANZA

ILAYA ELEMENTARY SCHOOL

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

ROMEO CELESTIAL

RONNIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with