Paslit na hinostage ng adik, nasagip
September 12, 2002 | 12:00am
Hinostage ng isang 28-anyos na lalaking bangag sa ipinagbabawal na gamot ang isang 5-anyos na paslit, kamakalawa ng gabi sa Bagong Silang, Caloocan City.
Nakilala ang nasukol na hostage-taker na si Jose Arrogante, ng Phase 8-A Package 14, Bagong Silang, Caloocan City.
Samantala, nailigtas naman ang biktima na nakilalang si Mia Sabenorio ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ni Supt. Benjardi Mantele, Caloocan police chief bandang alas-6 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente makaraang magtungo sa bahay ng biktima ang suspect para humingi ng tulong sa ama ni Mia dahil may nagbabalak umanong pumatay sa kanya (suspect).
Napansin naman ng pamilya Sabenorio na sabog na sabog sa ipinagbabawal na gamot ang suspect kaya pinakain muna nila ito ng hapunan saka inaya nang lumabas ng bahay.
Laking gulat na lamang ng mga magulang ng biktima nang biglang hablutin ng suspect ang kanilang anak na si Mia saka tinutukan ng patalim sa leeg at dinala sa loob ng bahay.
Kaagad namang dumating sina Supt. Mantele at Caloocan Vice-mayor Tito Varela upang pasukuin ang suspect.
Matapos ang may apat na oras na negosasyon ay nakumbinsi ng dalawa ang suspect na sumuko at pinalaya ang kanyang bihag na bata.
Nabatid pa sa ulat na masyado umanong dinamdam ng suspect ang paghihiwalay nilang mag-asawa kaya nalulong ito sa ipinagbabawal na gamot.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest