Kasama ang kanyang ina naghain ng reklamo sa WPD Station 5 ang biktimang itinago sa pangalang Angel laban sa kanyang tiyong suspect na si Ronron, 15, ng Anakbayan St., Paco, Maynila.
Ayon kay PO3 Marilyn Caparrosa, may hawak ng kaso bandang alas- 5 ng hapon noong nakalipas na Agosto 25 ng isagawa ng suspect ang panghahalay sa paslit.
Nabatid na umalis ng bahay ang ina ng biktima at inihabilin ang kanyang anak kay Ronron.
Nang magbalik sa bahay ang ina ay inabutan nitong palahaw sa pag-iyak ang bata at nang kanyang tanungin ay itinuro nito ang nagdudugong ari. Ayon sa bata tinusok umano siya ng suspect.
Inaresto ng mga awtoridad ang suspect subalit mariing itinanggi na ginahasa niya ang kanyang pamangkin.
Gayunman, sa isinagawang examination sa paslit sa Phil. General Hospital lumabas na positibong ginahasa ang bata at nahawahan pa ng sakit na gonorrhea.
Inamin naman ng suspect na isa siyang call boy na kumakabit sa mga bakla at matrona kaya posibleng dito niya nakuha ang sakit at hinawahan pa pati ang paslit na pamangkin. (Ulat ni Rudy Andal)