30 kabataan tumakas sa piitan
September 12, 2002 | 12:00am
Tatlumpong kabataan na may ibat-ibang kaso ang nagawang makatakas mula sa kinapipiitan nilang Manila Youth Reception Center sa Aroceros, Maynila makaraang lagariin ang lumang pintong bakal, kahapon ng madaling araw.
Tatlo lamang sa kabuuang 33 inmates sa nasabing piitan ang nagpaiwan at hindi sumama sa ginawang pagpuga ng kanilang mga kasamahan na pinamumunuan ni Richard Bona na may kasong frustrated murder.
Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw ng tumakas ang mga kabataan. Sinamantala umano ng mga ito ang pag-ihi ng jail guard at saka nilagare ang lumang pintong bakal.
Hindi na nagawang mapigilan ng jail guard ang mga tumakas dahil pawang armado ang mga ito ng matutulis na bagay.
Inatasan naman ni WPD director Pedro Bulaong ang kanyang mga tauhan na muling arestuhin ang mga pumugang kabataan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am