^

Metro

Station commander inireklamo ng sexual harrassment

-
Nagsampa kahapon ng kasong sexual harrassment ang isang 40-anyos na police aide laban sa isang station commander sa CPDC.

Inakusahan ng biktimang si Lydia Sones, may-asawa at nakadestino sa Quirino Police Station (Station 9) ng CPDC ang kanyang station commander na si Supt. Guillermo Cabuenas.

Batay sa salaysay ni Sones, nitong mga nakalipas na araw sa tuwing tinatawag siya ng kanyang CO (Cabuenas) ay hinihipuan siya sa puwet at hinahawakan ang kanyang mga kamay gamit ang pointer finger nito na nagbabadya pa ng kabastusan.

Noon umanong Agosto 31, 2002 ay nilapitan siya ng kanyang CO na dito na umano niyakap at saka hinawakan ang kanyang kaliwang suso sabay pa ang sabi ng mga bastos na salita.

Bunsod nang nangyaring ito umano, hindi na siya nakapagtulog at palaging dumaranas ng moral shock sa naranasan sa naturang opisyal.

Sinabi din ng biktima na makaraan ang ilang araw ay nagpasya na siyang pormal na ireklamo si Cabuenas para mabigyan ng leksiyon at hindi na gawin pa sa iba ang ganoong uri ng pang-aabuso.

Hindi naman nakunan ng pahayag si Cabuenas ukol dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGOSTO

ANGIE

BATAY

BUNSOD

CABUENAS

CRUZ

GUILLERMO CABUENAS

INAKUSAHAN

LYDIA SONES

QUIRINO POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with