^

Metro

37 'Gloria Labandera' rolling stores, sinuspinde ng NFA

-
Sinuspinde kahapon ng National Food Authority (NFA) ang operasyon ng 37 rolling stores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tinaguriang ‘Gloria Labandera’ makaraang mapatunayang lumalabag sa mga patakaran ng ahensiya na may kinalaman sa presyo ng mga ibinebentang bigas sa bansa.

Napag-alaman sa tanggapan ni NFA Administrator Tony Abad na ginawa nila ang naturang hakbang dahil sa nilabag umano ng mga ganid na negosyante ang NFA rules and regulations sa bentahan ng NFA rice.

Nabatid ng ahensiya na kabilang dito ang overpricing, walang sign board ang produktong bigas, diversion ng stock ng bigas at iba pa.

Umaabot umano sa may 552 rice dealers sa buong bansa ang iniimbestigahan ng NFA dahil sa ibat-ibang katiwalian at mga paglabag.

Kaugnay nito, binuksan naman ng NFA ang kanilang pintuan para tumanggap ng mga sumbong laban sa mga mapagsamantalang negosyante. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR TONY ABAD

ANGIE

CRUZ

GLORIA LABANDERA

KAUGNAY

NABATID

NAPAG

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with