^

Metro

Andy Seigle nanggulpi ng 2 bouncer

-
Ipinagharap ng reklamo sa pulisya ang Fil-Am player na si Andy Seigle at lima pang kasamahan nito makaraang gulpihin umano ng mga ito ang dalawang bouncer, dahil sinita lamang ng mga ito sa ginawang pambabastos ng basketbolista sa isang dalaga na naganap sa isang club sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Ang suspek na si Seigle, player ng koponang Talk ‘N Text ng Philippine Basketball Association (PBA) ay nakakalaya pa hanggang sa kasalukuyan at nakatakda itong ipatawag ng Criminal Investigation Division (CID)ng Makati City Police upang imbestigahan sa panggugulpi umano nito.

Ang nagharap ng reklamo ay ang mga biktimang sina Binnilito Benitez, 26, binata, taga-#2429 Aurora st., Pasay City at Miguel Honor, 37, may asawa, kapwa bouncer sa Club V. na matatagpuan sa kahabaan ng Amorsolo st., Brgy. San Lorenzo Village, Makati City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Juancho Ibis, ng Homicide Section, Makati City police, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1 at alas-2 ng madaling araw sa nabanggit na club.

Nabatid na nag-iinuman umano sina Seigle at lima pang kasamahan nito na hindi pa batid ang mga pangalan.

Sa labis na kalasingan, binastos umano ng basketbolista ang isang dalaga, na naging dahilan upang sitahin ito nina Benitez at Honor, na siyang naka-duty na mga bouncer ng mga oras na iyon sa club.

Hindi umano nagustuhan ng naturang manlalaro ang ginawang paninita ng mga bouncer hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at kampo ng mga suspek.

Pinagtulungan umanong gulpihin nina Seigle at lima nitong kasamahan sina Benitez at Honor.

Matapos ang insidente, nagtungo sa isang pagamutan sina Benitez at Honor upang ipagamot ang kanilang mga sugat bago nagharap ng reklamo sa pulisya, kaagad namang tumakas ang basketbolista at ang lima pang kasamahan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANDY SEIGLE

BENITEZ

BINNILITO BENITEZ

CLUB V

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

HOMICIDE SECTION

JUANCHO IBIS

MAKATI CITY

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with