^

Metro

10 PNP officials kinasuhan ng 'direct bribery ' ng Ombudsman

-
Sampung tauhan ng Philippine National Police (PNP), kabilang dito ang isang heneral ang pormal nang sinampahan ng Ombudsman ng kasong direct bribery sa tanggapan ng Sandiganbayan dahil sa pagpapalaya sa anim na hinihinalang Chinese drug manufacturers na ang kapalit ay P3 milyon at 10 kilo ng shabu sa Quezon City noong nakalipas na taon.

Inirekomenda ni Acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr. ang pagsasampa ng kaso laban sa mga PNP officials na kinabibilangan nina Chief Supt. Reynaldo Acop; Supt. Francisco Villaroman; Supt. John Campos; Chief Inspector Julius Ceasar Mana, Chief Insp. Cesar Aquino; SPO2 Antonio Ventura; SPO2 Mabini Rosale; SPO1 Danilo Castro; PO3 Ferdinand Apuli at PO1 Anthony Ong.

Ang mga nabanggit na pulis ay pawang dating miyembro ng PNP Narcotics Command ay kinasuhan matapos mapatunayan ng Ombudsman na may matibay na ebidensiya laban sa mga ito.

Ito ay matapos namang mag-testify si Mary Ong na mas kilala bilang ‘Rosebud’ na nagsabing pinalaya umano ang anim na hinihinalang Chinese drug manufacturers na kinabibilangan nina Lu Shao Min, Wang Jin Luan, Jin Piao Wang Chua, Li Jiaz Hu, Ah Chun at Eduardo Ling Hing Ong kapalit ng nabanggit na halaga at kilo ng shabu.

Sinabi pa sa ulat na namagitan si Rosebud para kausapin ang mga nabanggit na pulis para sa pagpapalaya sa mga nadakip na Tsino.

Si Acop ay isinama sa kaso dahil sa pagiging commanding officer ng mga pulis. (Ulat nina Malou Escudero at Angie Dela Cruz)

ACTING OMBUDSMAN MARGARITO GERVACIO JR.

AH CHUN

ANGIE DELA CRUZ

ANTHONY ONG

ANTONIO VENTURA

CESAR AQUINO

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR JULIUS CEASAR MANA

CHIEF SUPT

DANILO CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with