Trader pumalag sa holdap, todas
September 4, 2002 | 12:00am
Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na nangholdap sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Las Piñas District Hospital ang biktimang nakilalang si Nolasco Belda, 46, ng St. Matthew St., Saint Joseph Subdivision, Barangay Pulang Lupa ng nabanggit na lungsod. Ito ay nagtamo ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, mabilis namang nagsitakas ang dalawang hindi nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9:45 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Saint Matthew St. ng nabanggit na barangay.
Nabatid na mag-isang sakay ang biktima sa kanyang kulay puti na L-300 van nang harangin ng mga suspect at saka nagdeklara ng holdap.
Tinutukan ng baril ang biktima subalit hindi ito nawalan ng loob at pumalag sa dalawang suspect.
Gayunman, agad siyang pinaputukan ng baril ng mga salarin. Bago pa tuluyang tumakas kinuha pa ng mga suspect ang mga alahas at salapi ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended