^

Metro

P8-M pera ng OFWs natangay sa holdap

-
Walong milyong cash na remittance para sa mga pamilya ng may 1,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natangay ng limang armadong kalalakihan sa naganap na dalawang minutong panghoholdap kamakalawa ng hapon sa mataong lugar sa Greenhills sa San Juan.

Ayon kay Supt. Rodrigo de Gracia, hepe ng San Juan police na tinitingnan nila ang anggulo ng ‘inside job’ sa naganap na panghoholdap na isinagawa sa commercial district ng San Juan, hindi kalayuan sa Camp Crame.

"Nangyari ang panghoholdap sa matao at busy na lugar at ang labis kong ipinagtataka ay isang security lamang ang nakasaksi sa insidente at ni isa ay walang nakatanda sa plaka ng get-away vehicle ng mga suspects," dagdag pa ni de Gracia.

Ayon naman kay Alexander Duran, 30, company manager ng Mandaluyong City-based private remittance company na pabalik na sila sa kanilang tanggapan matapos na mag-withdraw ng may P8 milyon buhat sa Equitable-PCI Bank sa Greenhills Shopping Center nang biglang harangin ng mga suspects ang kanilang sasakyan sa may Connecticut St. dakong ala-1 ng hapon.

Binanggit pa nito na armado ang mga suspects ng matataas na kalibre ng baril at lulan ng kulay asul at silver na Mitsubishi Adventure.

Ilang putok ang narinig hanggang sa isa sa mga suspect ang biglang umagaw sa dala nilang gym bag na doon nakalagay ang winithdraw nilang cash. Matapos makuha ang pera ay saka mabilis itong nagsitakas.

Makaraang impormahan ng pulisya ang pangasiwaan ng kompanya tungkol sa anggulo ng inside job, ilang opisyal ang nagsabing sa loob ng 14 na taon nilang pagseserbisyo ay ngayon lamang sila naging biktima ng ganito.

Binanggit pa ng pangasiwaan ng kompanya na ang naturang halaga ay para sa mga pamilya ng may 1,000 OFWs na nasa America, Europe at Middle East.

Ginarantiyahan din ng management ang kanilang mga kliyente at kostumer na sa kabila ng pangyayari ay matatanggap nila sa oras ang kanilang pera.

Nakatakda namang imbitahan ng pulisya ang ilang empleyado ng kompanya para sa isinasagawang imbestigasyon. (Ulat ni Non Alquitran)

ALEXANDER DURAN

AYON

BINANGGIT

CAMP CRAME

CONNECTICUT ST.

GRACIA

GREENHILLS SHOPPING CENTER

MANDALUYONG CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with