^

Metro

Killer ni Chika Go, timbog

-
Nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang hired killer na tumambang at nakapatay kay dating Manila Councilor Chika Go noong nakalipas na Agosto 10, sa Binondo, Manila.

Ang suspect na iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakilalang si Victor Macaldo Jr., alyas George, 27, ng Block 8 Lot 38 Phase II Merry Homes Molino, Bacoor, Cavite.

Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon na si Macaldo ay matagal ng sinusubaybayan ng mga awtoridad dahil na rin sa ibinigay na impormasyon ng isang witness na nakakita sa nasabing pagpaslang sa konsehal.

Dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng arestuhin ang suspect sa loob ng Jollibee- Tayuman Branch kung saan mayroon umano itong hinihintay na kausap. Sinasabing mayroon na naman umanong pinaplanong itumba ito.

Ayon pa sa pulisya na hanggang sa ngayon ay wala pa ring maituring na utak sa krimen dahil sa nagmamatigas pa ang suspect kung sino ang nag-utos sa kanya.

Magugunitang si Go ay tinambangan sa kahabaan ng Reina Rejente St., Binondo, Manila noong nakalipas na Agosto 10, taong kasalukuyan habang lulan ng kanyang Pajero. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BINONDO

MANILA COUNCILOR CHIKA GO

MERRY HOMES MOLINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REINA REJENTE ST.

TAYUMAN BRANCH

VICTOR MACALDO JR.

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with