^

Metro

Malabon Mayor Vicencio sinuspinde ng DILG

-
Ganap nang suspendido si Malabon City Mayor Amado "Boy" Vicencio matapos na pormal nang isinerve kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order laban sa naturang alkalde at apat pa nitong mga opisyales kaugnay sa kasong graft na inihain ng dalawang oposisyon councilor sa nasabing lungsod.

Kaugnay nito, pansamantala munang hahalili kay Vicencio si Vice Mayor Jay Jay Yambao na 90 araw na uupo alinsunod sa itinadhana ng batas.

Ang suspension kay Vicencio at sa mga kasamahan nito ay kaugnay sa mahigpit na utos ng Sandiganbayan sa tanggapan ni DILG Secretary Joey Lina matapos na ibasura ng nasabing korte ang kahilingan ng tropa ng una at apat pa nitong opisyales na sina Pio Dudula, Ma. Lida Sarmiento, city treasurer Ernesto Pahustan at Councilor Lauro Borja para sa temporary restraining order (TRO) at motion to squash order.

Ganap na alas-2:30 ng hapon nang i-serve ng DILG ang utos para kay Vicencio kung saan pormal itong tinanggap ng isang staff ng kanyang tanggapan.

Agad namang nanumpa kahapon si Yambao sa harapan ni Judge Rosa Reyes ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 74 bilang kahalili ng suspendidong alkalde. (Ulat ni Rose Tamayo)

COUNCILOR LAURO BORJA

ERNESTO PAHUSTAN

GANAP

JUDGE ROSA REYES

LIDA SARMIENTO

MALABON CITY MAYOR AMADO

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

PIO DUDULA

ROSE TAMAYO

VICENCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with