^

Metro

5 open dumpsites ipinasara ng DENR

-
Limang open dumpsites ang pinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nag-ooperate sa Parañaque City at Taytay, Rizal.

Nagpadala si DENR Secretary Heherzon Alvarez ng notice of violation (NOV) kay Parañaque City Mayor Joey Marquez at Taytay Mayor June Zapanta hinggil sa patuloy na operasyon ng naturang mga open dumpsites.

Sa ipinadalang NOV, sinabi ni Alvarez sa naturang mga alkalde na walang clearance mula sa DENR ang naturang mga imbakan at hindi ito maaaring buksan hangga’t walang pahintulot mula sa nabanggit na ahensya.

Kaugnay nito, hiniling din ni Alvarez kina Marquez at Zapanta na magpaliwanag sa panulat sa loob ng 7 araw kung bakit hindi sila maaaring maparusahan hinggil sa ginawang paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang mga open dumpsites na malapit sa residential at commercial area ay matatagpuan sa Doña Soledad Ave. at Cul-de-sac Road sa Brgy. Sun Valley Greenville Subd. at isa sa loob na lumang sementeryo sa Himlayang Palanyag, Brgy. San Dionisio sa Parañaque. Gayundin sa Kenneth Road, Sitio Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALVAREZ

BRGY

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

HIMLAYANG PALANYAG

KENNETH ROAD

RIZAL

SAN DIONISIO

SECRETARY HEHERZON ALVAREZ

SITIO ARIENDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with