^

Metro

6 opisyal ng UCPB babasahan ng kasong panloloko

-
Anim na official ng isang malaking bangko ang babasahan ng sakdal ngayong umaga sa Makati Regional Trial Court dahil sa umano’y mahigit sa P100 milyong padding ng utang ng isang condominium developer sa Metro Manila.

Ihaharap ngayong alas-8 ng umaga kay Judge Dina Pestaño Teves ng RTC Branch 64 sina United Coconut Planters Bank (UPCB) former chairman Jeronimo U. Kilayko, dating presidente Lorenzo V. Tan, former corporate secretary Virgilio S. Jacinto, First Vice President Enrique L. Gana, Vice President Jaime W. Jacinto, at Assistant Vice President Emily R. Lazaro.

Inaprubahan ni Assistant Chief State Prosecutor at Officer-in-Charge Leonardo C. Guiyab ng Makati Prosecutors Office ang paghaharap ng demandang deceit laban sa anim kaugnay ng reklamo ng E. Ganzon, Inc. (EGI), na ito’y tinangkang kolektahan ng UCPB nang labis na P120,118,218 mula sa naging utang ng kompanya sa naturang bangko simula pa noong 1994. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR

ASSISTANT VICE PRESIDENT EMILY R

FIRST VICE PRESIDENT ENRIQUE L

JACINTO

JERONIMO U

JUDGE DINA PESTA

LORDETH BONILLA

LORENZO V

MAKATI PROSECUTORS OFFICE

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with