Ang hakbang na ito ng konseho ay hinggil sa sunud-sunod na pagpapalabas nito ng press release sa media na bangkarote na umano ang lunsod dahil sa walang habas na pangungutang at di makatarungang pagwaldas ng mga pinuno sa pondo ng kabang-bayan ng lungsod.
Maliban sa pagiging persona-non-grata ni Erice ay tinanggal na rin ang kanyang district office sa Caloocan City Hall.
Ayon sa isang staff ni Erice nag-impake na umano ng mga gamit ang mga kasamahan niyang nakatalaga sa district office sa Caloocan matapos matanggap ang balitang palalayasin na sila.
Ang pagpapaalis umano sa opisina ni Erice sa city hall ay may kaugnayan sa alitan nila ni Mayor Rey Malonzo na kamakailan lang ay hinamon nito ng karate ang una sa isang pulong-balitaan sa San Juan.
Ayon naman sa isang source na kaya nagpapabango si Erice sa media ay dahil sa balak nitong tumakbo bilang mayor sa 2004 na kung saan ang posibleng makaharap nito ay ang asawa ni Malonzo na si Gigi. (Ulat nina Rose Tamayo/Malou Escudero)