^

Metro

Caloocan City Council ideneklarang 'persona-non-grata' si Rep. Erice

-
Idineklara ng Caloocan City Council na "persona-non-grata" si 2nd District Rep. Edgardo "Egay" Erice dahil sa umanoy pagiging iresponsable nitong pagpapalabas sa media ng pahayag laban sa lunsod.

Ang hakbang na ito ng konseho ay hinggil sa sunud-sunod na pagpapalabas nito ng press release sa media na bangkarote na umano ang lunsod dahil sa walang habas na pangungutang at di makatarungang pagwaldas ng mga pinuno sa pondo ng kabang-bayan ng lungsod.

Maliban sa pagiging persona-non-grata ni Erice ay tinanggal na rin ang kanyang district office sa Caloocan City Hall.

Ayon sa isang staff ni Erice nag-impake na umano ng mga gamit ang mga kasamahan niyang nakatalaga sa district office sa Caloocan matapos matanggap ang balitang palalayasin na sila.

Ang pagpapaalis umano sa opisina ni Erice sa city hall ay may kaugnayan sa alitan nila ni Mayor Rey Malonzo na kamakailan lang ay hinamon nito ng karate ang una sa isang pulong-balitaan sa San Juan.

Ayon naman sa isang source na kaya nagpapabango si Erice sa media ay dahil sa balak nitong tumakbo bilang mayor sa 2004 na kung saan ang posibleng makaharap nito ay ang asawa ni Malonzo na si Gigi. (Ulat nina Rose Tamayo/Malou Escudero)

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY COUNCIL

CALOOCAN CITY HALL

DISTRICT REP

EDGARDO

MALOU ESCUDERO

MAYOR REY MALONZO

ROSE TAMAYO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with