^

Metro

1 todas sa bigong holdap

-
Nabaril at napatay ng isang security guard ang isa sa dalawang holdaper na nagtangkang humoldap sa ilang tauhan ng Baliwag Lechon, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa pagamutan ang hindi pa nakikilalang suspect makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa panulukan ng Ma. Elene St. at Carmel St. sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Binanggit sa ulat na nag-withdraw ng pera sa China Bank Visayas Branch ang mga empleyado ng Baliwag Lechon na sina Antonia Sanchez, 49; Daniel Katipunan, 35 at ang sikyu na si Henry Calderon, 42. Sakay ang mga biktima sa isang Toyota Corolla nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang dalawang suspect na lulan ng isang motorsiklo. Mabilis umanong tinutukan ng mga suspect ang mga biktima at nagdeklara ng holdap, dahil dito agad na inunahan ng sikyu ang mga suspect sa pagpapaputok at agad na tinamaan ang isa sa mga ito. Nataranta naman ang kasama nito kaya mabilis na tumakas at walang nadalang anuman. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANTONIA SANCHEZ

BAHAY TORO

BALIWAG LECHON

CARMEL ST.

CHINA BANK VISAYAS BRANCH

DANIEL KATIPUNAN

DORIS FRANCHE

ELENE ST.

HENRY CALDERON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with