^

Metro

Letran student na hiniwalayan ng girlfriend nagbigti

-
Dahil sa hindi matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang kasintahan, isang 22-anyos na estudyante ng Letran ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Ilang oras nang patay si Efeus Cabrera, 3rd year college, tubong Batangas nang ito ay matagpuan.

Base sa ibinigay na salaysay ng boardmate nito na nakilalang si Jim Tolentino, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubre niya ang bangkay ni Cabrera na nakabitin sa hagdanan ng tinutuluyan nilang boarding house sa San Pedro St., Malate, Maynila.

Sinabi ni Peter Caballes, 35, may-ari ng nasabing boarding house na huli niyang nakitang buhay ang nasawi dakong alas-9 kamakalawa ng gabi na nag-iinom at nagte-text.

Malaki ang paniwala ng mga imbestigador na posibleng hindi nito nakayanan ang pakikipaghiwalay ng kanyang kasintahan. Nakita sa ilang mga huling mensahe nito sa cellphone ang mga katagang, "I love Khalil too much, mama sorry hindi ko na kaya ang lahat, mahal ko pa rin si Khalil".

Nakatanggap din ito ng isang mensahe mula sa isang Aileen na nagsasabi naman na, "Mahal ka pa ni Khalil patunayan mo sa kanyang karapat-dapat kang mahalin. Ayusin mo ang sarili mo pls". (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AILEEN

AYUSIN

BATANGAS

CABRERA

EFEUS CABRERA

JIM TOLENTINO

KHALIL

MAYNILA

PETER CABALLES

SAN PEDRO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with