Arkitekto timbog sa pangongotong
August 28, 2002 | 12:00am
Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Presidential Anti-Organized Crime Commission ang isang arkitekto ng tangkain nitong kikilan ang isang kontraktor noong Lunes sa Maynila.
Ang dinakip ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ay ang arkitekto na si Manuel Tolentino, 34, ng Dos Castillas St., Sampaloc, Mla.
Ayon kay Velasco si Tolentino ay dinakip sa isinagawang entrapment operation sa loob ng isang fastfood chain sa may J.P Laurel St., Maynila matapos na isang kontraktor ang humingi ng tulong sa "Magic Eye" team ng NCRPO.
Binanggit pa sa ulat na ginagamit ni Tolentino ang pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang mga transaksyon sa mga kontraktor.
Lumitaw na humihingi ng halagang P200,000 sa isang kontraktor bilang padulas upang mailabas umano ang pondo mula sa Department of Budget and Management para sa inaprubahang proyekto sa Sibulan, Negros Oriental ng tanggapan ng Pangulo.
Tiniyak umano ng suspect sa kontraktor na sa naturang halaga ay kaya niyang maipalabas ang lahat ng dokumento dahil may malakas siyang koneksyon sa tanggapan ni First Gentleman Arroyo.
Nasamsam sa nadakip na arkitekto ang ilang xerox copy ng mga dokumento mula sa Malacañang at DBM.
Si Tolentino ay prinisinta ni Pangulong Arroyo sa mga mamamahayag kahapon. Agad din nitong ipinag-utos ang pagsasampa ng kasong estafa sa Manila Prosecutors Office laban dito.(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended