^

Metro

P5-M estafa ikinaso sa producer ng Marimar

-
Multi-milyong pisong kasong estafa ang kinakaharap ngayon ng producer ng Marimar at apat pa matapos ireklamo ng kasosyo sa negosyo sa piskalya ng lungsod ng Makati dahil sa hindi pagre-remit ng mga ito ng perang kinita ng naturang Mexican telenobela na isa sa naging blockbuster noong 1996 hanggang 1997 sa bansa.

Sa tatlong-pahinang resolution ni 3rd Asst. City Prosecutor Hannibal V. Santillan ng Makati City Prosecutor’s Office na may petsang Agosto 12, 2002, sina William Tieng, asawang si Aida, kapatid na sina Wilson, Lucia at Willy Tieng, pawang may-ari ng Solar Films Entertainment at Solar Entertainment Corp. (SEC) ay sinampahan ng kasong estafa na nagkakahalaga ng P5 million.

Ang resolution ng piskalya ay base sa naging reklamo ng Team Image Entertainment, Inc. (TIEI) sa pamamagitan ni Atty. Froilan D. Cabaltera, dating kasosyo sa negosyo ng mga akusado.

Sa complaint affidavit ni Cabaltera, Vice-President/Administration and Corporate Counsel ng naturang entertainment company, nagkaroon sila ng joint venture agreement sa Solar Films noong Enero 10, 1997 upang maipalabas sa telebisyon at pelikula ang telenobelang Marimar na pinagbibidahan ng superstar at Mexican actress na si Thalia.

Ang naturang telenobela ay naging blockbuster television series sa RPN-9 bukod pa sa kinopya rin ang ilan pang pelikula ng aktres na si Thalia sa mga kalabang TV station.

Naipalabas ang pelikulang Marimar sa mga sinehan na kinalokohan ng milyong viewers at kumita ng milyun-milyon na walang remittance na ginawa ang producer nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ADMINISTRATION AND CORPORATE COUNSEL

CABALTERA

CITY PROSECUTOR HANNIBAL V

FROILAN D

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY PROSECUTOR

MARIMAR

SOLAR ENTERTAINMENT CORP

SOLAR FILMS

SOLAR FILMS ENTERTAINMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with