Houseboy tugis ng pulisya
August 25, 2002 | 12:00am
Pinaghahanap ng pulisya ang 22-anyos na houseboy na pinaniniwalaang marami na ang naging biktima sa kanyang modus operandi na kuning maigi ang tiwala ng kanyang amo at kapag naglaon ay saka niya ito nanakawan ng malalaking halaga.
Sa kasalukuyan, maaaring naghahanap na naman ng bagong biktima si Siyanong matinik kung kayat pinag-iingat ng pulisya ang publiko.
Nakilala ang pinaghahanap na houseboy na si Marklie Apilodin, tubong Cabanatuan City.
Sa ulat ng pulisya, huling naging biktima ni Apilodin ay ang negosyanteng si Edita Aranez, 51, ng Quezon City.
Nabatid sa ulat na noong Pebrero 20 ng taong kasalukuyan nagsimulang mamasukan bilang boy si Apilodin sa pamilya ng Aranez. Nagkikilos umano itong parang isang inosenteng probinsiyano na walang muwang sa Maynila.
Binanggit pa ng pulisya na sa una ay padadamahin nito ang kanyang mga amo na siya ay magpakakatiwalaan subalit kapag nakuha na ang tiwala ng mga ito ay saka niya ito tutuklawin at nanakawan.
Noong nakalipas na Agosto 17, 2002 tinangay ni Apilodin ang may P113,580 cash na pinakolekta ng kanyang amo sa isa nilang kostumer. Hindi na nagpakita pa ang suspect at maging ang ilan niyang gamit ay iniwan na lamang sa bahay ng amo.
Nabatid pa sa ulat na may mga nauna na ring pinasukan ang suspect at ganito din ang kanyang ginawa.
Sa sinumang may impormasyon sa kinalalagyan ng suspect ay ipagbigay alam lamang sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o kaya ay tumawag kay Mr. Ogie Aranez sa 912-52-30/ 912-52-21. May inilalaang pabuya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am