^

Metro

Metro aide patay sa away trapiko

-
Dahil lamang sa hindi pagbibigayan sa daan, binaril hanggang sa mapatay ang isang kawani ng Leonel Waste Management ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Dante Alfonso, 40, dahil sa tama ng bala sa ulo, samantalang mabilis namang nagsitakas ang mga salarin matapos ang isinagawang krimen.

Nabatid mula sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng madaling araw habang sakay ang biktima sa kanyang bisikleta papasok na sa trabaho.

Sinasabing nagkagitgitan ang biktima at ang dalawang lalaking suspect na sakay ng motorsiklo sa may Juan Luan malapit sa Maria Guazon St. Tondo na naging dahilan ng mainitan nilang pagtatalo.

Ilang sandali pa ay lalong uminit ang komprontasyon ng biktima at mga suspect hanggang sa isa sa mga ito ay mabilis na bumunot ng baril at binaril ng malapitan sa ulo ang biktima.

Sa salaysay ng ilang nakasaksi, walang plaka ang motorsiklo liban sa nakita nilang sticker umano ng WPD. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

DAHIL

DANTE ALFONSO

ILANG

JUAN LUAN

LEONEL WASTE MANAGEMENT

MARIA GUAZON ST. TONDO

MAYNILA

NABATID

NAMATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with