NBI agent tinodas ng 5 lalaki
August 24, 2002 | 12:00am
Namatay ang umanoy isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos pagtulungang gulpihin at barilin ng isa sa limang kalalakihan sa harap ng kalaguyo nito kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Ang biktimang si Juanito "Sonny" Chua, 48, ng Dalahican st., Damar Village, Quezon City ay namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital sanhi ng mga tinamong palo sa katawan at tama ng bala sa dibdib.
Mabilis namang naaresto ang isa sa limang pinaghihinalaan na si Eusebio Manalang, 42 habang ginagamot sa Philippine Orthopedic Center na nagtamo ng tama ng bala sa hita.
Samantala, patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang iba pang pinaghihinalaan na sina Hermin at kapatid nitong si Nguso de Guzman at dalawang hindi pa nakikilalang kasamahan nito na kapwa residente ng J. Nolasco st.,Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon, dakong ala-1:20 ng madaling araw ay inihatid ng biktima ang umanoy kanyang kalaguyo na si Michelle Malabuyoc, 20, sa bahay nito sa J. Nolasco st.
Pagkababa ng biktima sa kanyang kotse ay lumapit ang mga suspek at kinompronta ito at tinanong kung bakit nito inaaway si Malabuyoc.
Nagpakilalang ahente ng NBI ang biktima at habang kinukuha ang kanyang ID ay bigla na lamang pinagpapalo ito.
Nagawa pang makatakbo ng biktima, subalit siya ay hinabol hanggang sa madapa at muling pinagtulungang gulpihin.
Sa puntong ito ay bumunot umano ng baril si Nguso at pinaputukan ang biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended