^

Metro

Bitay hatol sa fish vendor

-
Hinatulan kahapon ng parusang kamatayan ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang isang fish vendor na brutal na pumaslang sa kanyang kapitbahay may tatlong taon na ang nakakaraan.

Sa 10-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Amalia Dy ng RTC Branch 213, bukod sa bitay inatasan din nito ang akusadong si Loreto Naputo na bayaran ng halagang P203,700 bilang danyos perwisyo ang pamilya ng biktimang si Hilario Colico Jr.

Base sa pagsisiyasat, ang pagpaslang sa biktima ay nag-ugat sa isang simpleng selos.

Nabatid sa rekord ng korte na ang krimen ay naganap dakong alas-9 ng gabi noong Hunyo 6, 1999 sa labas ng bahay ng biktima.

Ang pamilya umano ng biktima ay nagnenegosyo ng aluminum at dating kaibigan ng suspect na isang fish vendor bago pa man nagkaroon ng alitan na nauwi sa krimen.

Simula umano ng unti-unting umangat ang buhay ng mga Colico ay na-inggit na ang angkan ng mga suspect, hanggang sa ang inggit ay nauwi sa pag-aawayan na humantong pa sa pagpapatayan.

Dalawa pang kasamahan ni Naputo ang hanggang sa ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad, ang mga ito ay nakilalang sina Boy Pajares at Johnny Casuco. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BOY PAJARES

COLICO

DALAWA

HILARIO COLICO JR.

HINATULAN

JOHNNY CASUCO

JOY CANTOS

JUDGE AMALIA DY

LORETO NAPUTO

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with