157 batang palaboy may HIV?
August 23, 2002 | 12:00am
Tinatayang aabot sa may 157 mga palaboy sa lansangan na may gulang na mula-5 hanggang 17-anyos ang positibo umano sa Human Immuno Virus o HIV at ang ilan sa mga ito ngayoy malayang gumagala sa Metro Manila.
Ito ang nabatid buhat sa isinagawang pag-aaral, kamakailan na pinondohan ng French government.
Ayon sa isang Ms. Bondad ng France Jeunesse International kabilang umano dito ang limang-taong gulang na batang babae na siyang pinakabatang child sex worker na nagkaroon ng ganitong uri ng sakit.
Ang naturang bilang umano ng mga palaboy na nagtataglay ng ganitong uri ng sakit na kanilang inilabas ay base sa mahigpit na pagsubaybay sa mga ito sa loob ng may dalawang taong study period.
Sinabi pa ni Bondad na maaaring sa mga dayuhan nahawa ang mga palaboy.
Dahil dito, iminumungkahi ng mga taga-FJI ang pagrerekomenda o pagtuturo sa murang edad pa lamang partikular na sa mga street children ang paggamit ng mga contraceptives sakaling hindi sila makaiwas mula sa mga sexual exploiters. Gayunman, ito ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng social workers at ng ilang konserbatibong sektor sa lipunan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended