^

Metro

P10-M hirit ni Alma kay Joey

-
Sampung milyong piso ang hinihirit ng aktres na si Alma Moreno kay Parañaque Mayor Joey Marquez bilang bayad-pinsala sa nilikha nito sa kanyang matinding pagdadalamhati, pagkabahala at kahihiyan matapos na magharap ng annulment ang alkalde sa kanilang kasal na tumagal ng may 12-taon.

Bukod dito, humihingi din sa Alma ng halagang P200,000 monthly support para sa kanilang apat na anak. Gusto din ni Alma na sa kanya mapunta ang kustodya sa kanilang mga anak.

Ang pira-pirasong impormasyong ito ang nilalaman ng sagot ni Alma noong Hulyo 11 sa annulment petition ni Joey.

Gayunman, unang nilinaw ng aktres sa kanyang sagot na ang una niyang nais mangyari ay ang madismis na tuluyan ang petisyon.

Magugunitang ikinatuwiran ni Alma na kaya lamang nais ni Joey na ma-annul ang kanilang kasal ay dahil sa makasarili nitong motibo dahil sa mainit na pakikipagrelasyon nito sa TV host na si Kris Aquino.

Ang petition for annulment ay magugunitang dinidinig sa sala ni Parañaque Judge Helen Ricafort.

Sa kabilang banda, si Joey sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Frank Chavez ay nagsumite ng amended petition sa sala ni Judge Ricafort. Ang amended petition ay naglalaman umano ng mas malakas at matitibay na ebidensiya laban naman kay Alma.

Magugunitang una nang binasura ng Office of the Solicitor General (OSG) ang petisyon ni Joey kasabay nang pagsasabing nabigo ang aktor/ mayor na patunayan ang alegasyon nito patungkol kay Alma sa isyu ng ‘psychological incapacity to enter into a marriage’.

Ang dalawa ay inaasahang muling maghaharap sa korte sa susunod na buwan sa sala ni Judge Ricafort sa Parañaque.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALMA

ALMA MORENO

FRANK CHAVEZ

JUDGE HELEN RICAFORT

JUDGE RICAFORT

KRIS AQUINO

LORDETH BONILLA

MAGUGUNITANG

MAYOR JOEY MARQUEZ

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with