Carnapping gagawing heinous crime
August 21, 2002 | 12:00am
Parusang kamatayan na ang magiging kaparusahan sa sinumang mapapatunayang nagkasala ng carnapping kapag naaprubahan ng Kongreso ang kahilingan ng PNP-Traffic Management Group na isama sa heinous crime ang naturang krimen.
Ayon kay PNP-TMG director Senior Supt. Danny Mangila, dapat nang ituring na heinous crime ang kasong carnapping at gawaran ng pinakamabigat na parusa ang mga mahuhuling sindikatong sangkot dito.
Nakatakdang magpadala si Mangila ng pormal na sulat sa Kongreso at Senado upang amyendahan ang batas sa mga heinous crime.
Masyadong mahina umano ang parusa sa carnapping dahil sa maliit na halaga ng piyansa lamang na nasusustentuhan naman ng mga malalaking sindikato.
Dahil dito, kaya walang takot ang sindikatong sangkot dito na magsagawa ng maraming operasyon.
Hindi umano nadadala ang mga taong sangkot dito, kasi madali silang makapagpiyansa at kung nasa labas na ay muli na namang mag-operate na dito, malaki ang kanilang kinikita. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest