^

Metro

Trolley boy sinumpak, dedo

-
Isang 22-anyos na ‘‘trolley boy’’ ang pinagbabaril at pinatay ng kapitbahay nito matapos na mag-agawan ang mga ito ng pasahero sa riles ng train sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival nang isugod sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima na nakilalang si Isidro Pide, nakatira sa #221 South PNR, Barangay Bangkal ng lungsod na ito matapos itong sumpakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Michael ng nabanggit na lugar ay kaagad na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Reuel Riodique, ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima.

Parehong trolley boy ang suspek sa riles ng tren, nabatid na nag-agawan sa mga pasahero.

Nagalit ang suspek sa biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Kumuha ng sumpak ang suspek at pinaputukan si Pide, kaagad na isinugod ang biktima sa nasabing ospital ng kanyang mga kamag-anak, ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BARANGAY BANGKAL

HOMICIDE SECTION

ISANG

ISIDRO PIDE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

REUEL RIODIQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with