^

Metro

Manager ng KFC tinarakan ng welding rod

-
Kritikal sa pagamutan ang isang area manager ng Kentucky Fried Chicken matapos na saksakin at tangayin ang kanyang sasakyan ng dalawang di-nakilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakatusok pa sa leeg ang welding rod na ginamit na panaksak ng isa sa mga suspek nang dalhin sa FEU hospital ang biktimang si George Veray, 42-anyos ng Blk. 8, Lot 21, Palmera Spring-IV ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Nabatid na bumaba ng kanyang kulay pulang Mitsubishi Adventure (CPJ-243) ang biktima upang buksan ang gate ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at biglang sinaksak gamit ang isang welding rod ang una bago tinangay ang nasabing sasakyan.

Nagawa namang makahingi ng tulong ang biktima sa ilang kapitbahay na naging dahilan upang dalhin ito sa nasabing pagamutan habang nakatusok pa ang welding rod sa kanyang leeg.

Matapos maipagbigay alam ng mga kaanak ng biktima ang pangyayari sa pulisya ay narekober ang nasabing sasakyan di-kalayuan sa lugar ng pinangyarihan ng insidente. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

GEORGE VERAY

KENTUCKY FRIED CHICKEN

KRITIKAL

MATAPOS

MITSUBISHI ADVENTURE

NABATID

NAGAWA

PALMERA SPRING

ROSE L

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with