Nene pinainom ng pampalaglag, kritikal
August 19, 2002 | 12:00am
Isang binata ang pinaghahanap ngayon ng pulisya makaraang ireklamo ito ng kanyang kasintahan dahil sa pinainom ito ng pampalaglag na naglagay naman sa teenager sa bingit ng kamatayan kahapon sa Maynila.
Nagharap ng reklamo ang biktimang si Cecille (di-tunay na pangalan), 14 anyos, estudyante ng Tondo High School at nakatira sa Sandico St., Tondo, laban sa kanyang boyfriend na nakilala lamang sa pangalang Jayson, 17 anyos ng nasabing lugar.
Ayon sa pahayag ng biktima kay Supt. Bernardo Diaz, hepe ng WPD-station 2, ipinagtapat niya sa kanyang boyfriend na buntis ito hanggang sa pilit siyang pinainom ng tableta.
Biglang dinugo at inapoy ng lagnat si Cecille bunga ng ininom na tableta kaya isinugod ito sa UST hospital kung saan ay natuklasan na patay na ang isang buwan at kalahati na dinadala nito sa sinapupunan.
Sinabi ng mga doktor, kung hindi kaagad naagapang dalhin sa ospital ang biktima ay malamang na pati ito ay nasawi dahil sa blood poisoning dahil ilang oras na umanong patay ang sanggol sa sinapupunan nito.
Dahil dito, nagdesisyon ang dalagita na ipagharap ng kaso ang kanyang boyfriend na naglagay sa balag ng alanganin sa kanyang buhay ng pilitin siyang painumin ng gamot na pampalaglag. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest