Confidential agent ng NBI sinalvage
August 18, 2002 | 12:00am
Isang confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hinihinalang sinalvage ng tinutugaygayan nitong grupong kriminal ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Concepcion Uno, Marikina City kahapon ng umaga.
Ayon kay Marikina City Chief of Police Supt. Leonardo Espina ang biktima na nakilala sa pamamagitan ng nakuha ditong ID na si Vincent Fulgar, 51, ng 22 Chantity Villas, Busilan St., Mandaluyong City.
Inihayag ng opisyal na kasalukuyan pa rin nilang iniimbestigahan kung ang pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa trabaho nito bilang confidential agent ng NBI dahil na rin sa mga sensitibong kasong kriminal na pina-follow-up nito.
Nabatid na ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-6:20 ng umaga sa kahabaan ng Daang Kalabaw patungong Sitio Bayong, Tumana, Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuang nakadapa, nakasuot ng maong pants, kulay puting t-shirt at itim na sapatos. Halos sariwa pa rin ang umaagos ditong dugo buhat sa malalim na pukpok nito sa ulo.
Ayon pa sa mga imbestigador, posibleng ang pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa kasong hinahawakan nito sa bureau at nabatid na hinalughog pa ng hindi nakikilalang salarin ang tahanan nito sa Mandaluyong City.
Nagkalat ang dugo sa sahig ng bahay subalit walang nakitang bangkay. Nabatid na bago ang pagpaslang nakatanggap na ng maraming death threats ang biktima buhat sa sindikatong kanyang nasagasaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am