4 'kotong cops' prinisinta ni GMA
August 17, 2002 | 12:00am
Kahit kabi-kabila ang batikos, hindi nagpaawat si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpiprisinta ng mga kriminal, gayundin sa mga tiwaling opisyal makaraang muli niyang iharap sa media sa Camp Crame kahapon ang apat na kotong cops.
Ang mga nadakip ng pangkat ng "Magic Eye" ng NCRPO counter intelligence and regional special operatives ay kinilalang sina PO1 Fernando Pinongan, PO2s Conrado Duran at June Reyes at SPO1 Edison Belmonte.
Base sa ulat, ang mga nadakip ay matagal nang sinusubaybayan ng mga operatiba ng "Magic Eye" na umanoy bumibiktima sa mga driver sa lansangan partikular sa mga sasakyang dumaraan sa Alabang Road sa Muntinlupa.
Huling-huli ang apat na pulis sa aktong tinatanggap ang P300 marked money sa isa nilang biktima na nakilalang si Durante Carilla. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended