Engineer nagbigti
August 16, 2002 | 12:00am
Isang engineer ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nakilala ang nagpakamatay na engineer na si Rolando Agustin, 45, isang building inspector, ng Quiapo, Manila.
Natagpuan ang bangkay nito na nakabitin sa isang puno ng Ipil-ipil na matatagpuan sa may water pump compound ng Corinthian Garden, Brgy. Agom Norte, Quezon City na dito umano nagtatrabaho ang nasawi.
Nylon cord ang ginamit ng engineer sa kanyang pagpapakamatay.
Samantala, nagbigti din ang isang 56-anyos na lalaki makaraang tawagin siyang lasenggero ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.
Malamig na bangkay nang matagpuan si Danilo Loto na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto.
Base sa ulat, dakong alas-7 ng gabi ng matagpuan si Danilo. Bago ang insidente nabatid na nag-away ito ng kanyang misis makaraang umuwing lasing na lasing.
Napagsabihan umano ng kanyang asawa na lasenggo ang nasawi na maaaring ito ang ipinagdamdam nito.
Pumasok sa kanilang kuwarto si Danilo at makalipas ang isang oras ay natuklasan na ng kanyang asawa ang ginawa nitong pagpapakamatay. (Ulat nina Angie dela Cruz at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest