Mister na suspek sa murder, hinostage ang misis
August 16, 2002 | 12:00am
Napilitang i-hostage ng isang mister ang kanyang misis at gawing pananggalang sa mga umaaresto sa kanyang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon sa bayan ng Taguig.
Tumagal ng halos tatlong oras ang ginawang negosasyon sa suspect na nakilalang si Rudy Villareal, 43, ng Pan Am Village, Western Bicutan bago ito tuluyang sumuko kay Taguig Mayor Freddie Tinga.
Base sa ulat, naganap ang pangho-hostage dakong alas-7 ng umaga matapos na bulagain ng mga NBI agents sa pamumuno ni Agent Akmat Sampang sa kanyang tirahan si Villareal. Dala ang arrest warrant, si Villareal ay aarestuhin sa kasong murder.
Lumabas ng bahay ang misis ng suspect na si Edgel, 45, para pagtakpan ang asawa at sabihin sa mga NBI na wala doon ang kanilang hinahanap.
Hindi naman naniwala ang grupo ni Sampang kung kaya nagpumilit na pumasok ang mga ito sa bahay.
Natuklasan nilang nagtatago sa likod ng cabinet ang suspect.
Nagipit umano si Villareal kaya napilitang isakripisyo ang asawa at ginawang hostage at tinutukan ng baril.
Dahil dito, napilitang bumaba ng bahay ang grupo ni Sampang lalo pa ngat nakita na tuliro ang suspect.
Napasuko lamang ang suspect matapos pangakuan ni Mayor Tinga na tutulungan.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended