^

Metro

Kaso ng Manor Hotel, hiling ilipat sa Family Court

-
Nananatiling nakabitin ang hustisya sa may 75 katao na namatay sa naganap na trahedya sa Manor Hotel na nilamon ng apoy noong nakalipas na Agosto 18, 2001.

Kahapon, bagamat naisalang ang naturang kaso sa sala ni QC Metropolitan Trial Court Judge Evangeline Castillo ng Branch 45, ipinagpaliban na naman ang pagdinig sa kaso sa darating na Setyembre 20 dahil na rin sa ilang argumento.

Nagpalabas kahapon ng mosyon ang panig ng prosecution para mailipat ang pagdinig sa kasong ito sa Family Court dahil isa sa mga complainant ay menor-de-edad.

Ginawa nilang argumento na kailangan sa Family Court madinig ang usapin kung ang complainant ay wala pa sa tamang edad. Ang Family Court cases umano ay hawak din ng Regional Trial Court (RTC).

Kaugnay nito, binigyan naman kahapon ng palugit na isang linggo ni Judge Castillo ang panig ng depensa para naman magsumite ng kanilang reaksyon sa transfer of court issue.

Ito ang siyang pagtutuunan ng pansin sa gaganaping pagdinig sa darating na Setyembre 20.

Magugunitang ang malagim na trahedya ay naganap noong nakalipas na Agosto 18 ng nagdaang taon na dito nalitson ang may 75 katao pawang miyembro ng isang religious group na nag-check in sa naturang hotel para dumalo sa isang religious gathering kinabukasan.

Pangunahing kinasuhan sa kasong paglabag sa QC revenue code tulad ng kawalan ng mayor’s permit at hindi pagbabayad ng buwis ang may-ari ng Manor Hotel na sina William at Rebecca Genato, Porfirio Germina, Marion Fernandez, Dionisio Cua Arengino at Antonio Beltran. (Utak ni Angie dela Cruz)

AGOSTO

ANG FAMILY COURT

ANTONIO BELTRAN

DIONISIO CUA ARENGINO

FAMILY COURT

JUDGE CASTILLO

MANOR HOTEL

MARION FERNANDEZ

METROPOLITAN TRIAL COURT JUDGE EVANGELINE CASTILLO

PORFIRIO GERMINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with