^

Metro

Mayor Tsong sinabunutan, sinampal ni Alma

-
Namuo ang matinding tensyon nang magharap kamakailan sina Parañaque City Mayor Joey Marquez at ang asawa nitong si Alma Moreno matapos umanong sampalin at sabunutan ng aktres ang naturang alkalde matapos umano nitong insultuhin ang huli sa harap mismo ng hukom na dumidinig sa kanilang annulment case.

Ayon sa isang impormante sa Parañaque City Regional Trial Court na humiling na itago ang kanyang pangalan na sa simula pa lamang ng pagdinig ay matinding tensyon na ang nanaig makaraang sabihan ng alkalde na nagsisisi umano siya sa ginawa niyang pagpapakasal sa aktres.

Hindi umano matanggap ni Alma ang pang-iinsulto sa kanya ng asawa at dahil dito lalong tumindi ang matinding tensyon sa pagitan ng mag-asawa.

Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Alma na sugurin ng sampal at sabunot si Joey sa harap umano ni Judge Helen Ricafort ng Parañaque City RTC, Branch 260 hanggang sa mamagitan at umawat ang ilang staff ng nabanggit na Hukom.

Bagamat kinumpirma ng sala ni Ricafort na nagkaroon ng hearing sa annulment case ni Alma at Joey, hindi naman sila nagbigay ng komento tungkol sa naganap na ‘sampalan at sabunutan blues’.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALMA MORENO

AYON

BAGAMAT

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

CITY REGIONAL TRIAL COURT

HUKOM

ILANG

JUDGE HELEN RICAFORT

LORDETH BONILLA

NAMUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with