Pag-torture kay Medel kinumpirma ni State Prosecutor Velasco
August 14, 2002 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni DOJ State Prosecutor Emmanuel Velasco sa kanyang walong pahinang salaysay na tinorture nga ng mga tauhan ng PNP-CIDG si Philip Medel, gayundin ang pagtatago ng nasabing police team ng mahahalagang ebidensiya sa kaso ni Nida Blanca.
Ayon pa kay Velasco na pinagtakpan din umano ni NBI director Reynaldo Wycoco ang naturang pag-torture kay Medel matapos na sumailalim at pumasa ito sa polygraph test.
Dahil dito kung kayat ipinaalam na ni Velasco ang pangyayari kay DOJ Secretary Hernando Perez.
Nilinaw pa ni Velasco na hindi nila sinisiraan ang PNP subalit kailangan niyang isiwalat ito para maipa-alam sa sambayanan ang katotohanan at upang maialis sa serbisyo ang mga tiwaling opisyal ng pulisya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest