^

Metro

Natagpuang bangkay ng dalagita, kilala na

-
Kilala na ng pulisya ang dalagitang natagpuang patay sa isang lugar sa Bayanan, Muntinlupa kamakalawa.

Ito ay si Clarissa Martin, isang American citizen at pamangkin ni dating Bacon, Sorsogon Mayor Leovic Dioneda na umano’y kinidnap noong nakalipas na Linggo ng gabi sa harapan ng Philtranco Terminal sa Pasay City.

Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspect na kinabibilangan ng apat na armadong kalalakihan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya noong Linggo dumating sa Maynila ang biktima buhat sa Sorsogon kasama ang kapatid na si Victorialyn Martin na sasamahan sana nito sa pagpapagamot.

Lulan na ang magkapatid sa isang taxi nang harangin ng isang Toyota Corolla na may plakang TAY–840 sakay dito ang mga armadong suspect. Tinanong umano ng mga suspect kung sino ang pamangkin ni Mayor Dioneda nang makasagot na ang mga ito ay biglang hinaltak at dinalang sapilitan ang biktima.

Ang kapatid niya ang nag-ulat sa pulisya sa naganap na pagdukot.

Kinabukasan, magugunitang natagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa Kawayanan Right Way, Bagong Paraiso Road, Barangay Bayanan, Muntinlupa City na binigti ng sintas ng sapatos na di naglaon ay kinilala ang dinukot na si Martin. Hindi pa mabatid kung hinalay ang biktima.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG PARAISO ROAD

BARANGAY BAYANAN

CLARISSA MARTIN

KAWAYANAN RIGHT WAY

LINGGO

LORDETH BONILLA

MAYOR DIONEDA

MUNTINLUPA CITY

PASAY CITY

PHILTRANCO TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with