^

Metro

Shootout: 2 todas

-
Dalawa katao ang iniulat na nasawi, kabilang dito ang isang guwardiya at isang hinihinalang holdaper makaraang maka-engkuwentro ng una ang grupo ng huli sa may toll plaza sa kahabaan ng Coastal Road sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Namatay bago pa man idating sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na nakilalang si Edwin Alupijan, 45, guwardiya ng Public Estate Authority (PEA) sanhi ng tinamo nitong ilang tama ng bala sa ibat-bang bahagi ng katawan. Samantala hindi pa nakikilala ang napatay na isa sa tatlong suspect.

Nasakote naman ang isa pa sa suspect na nakilalang si Benjamin Plac, 35, habang ang isa pa nilang kasamahan ay nakatakas.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Anthony Alising, ng CID ng Parañaque police na naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa toll plaza na pinamamahalaan ng tanggapan ng PEA na matatagpuan sa Coastal Road, Emilio Aguinaldo Highway, Brgy. San Dionisio.

Nabatid na sakay ang mga suspect sa isang motorsiklo at pumasok sa naturang expressway ng ang mga ito ay sitahin ng biktima dahil sa bawal pumasok doon ang maliliit na sasakyan.

Sa halip na tumigil, isa sa mga suspect ang nagpaputok ng baril at tinamaan ang biktimang sikyu, gayunman sa kabila na may tama ay nakuha pa nitong magpaputok ng baril at naasinta ang isa sa mga suspect na tinamaan sa ulo at namatay.

May hinala ang pulisya na mga holdaper ang mga suspect at posibleng pasalakay sa bago nilang biktima subalit naudlot ng sitahin ng biktima. (Lorderth Bonilla)

ANTHONY ALISING

BENJAMIN PLAC

COASTAL ROAD

DIOS HOSPITAL

EDWIN ALUPIJAN

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

LORDERTH BONILLA

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

SAN DIONISIO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with