^

Metro

Preliminary investigation sa kaso ni Nida sinimulan na

-
Sa ikalawang pagkakataon muling humarap sa isinagawang preliminary investigation si Philip Medel, pangunahing suspect sa kasong pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca.

Gayunman, hindi na ito nagwala gaya sa una niyang pagharap nang bawiin niya noon ang lahat ng kanyang mga ginawang pag-amin sa kaso.

Kasabay ng pagsisimula ng isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa naturang kaso ipinasusumite ng naturang tanggapan sa NBI ang lahat ng ebidensiya at dokumento patungkol sa pag-iimbestiga sa kaso ng aktres.

Samantala, lalong lumakas ang kasong iniharap laban sa asawa ng aktres na si Rod Lauren Strunk sa pamamagitan ng pagpiprisinta sa may 27 testigo.

Ang mga testigo ay pawang nanumpa sa harap ng three-man panel sa pangunguna ni Senior Prosecutor Archimedes Manabat, na inaasistihan nina State Prosecutors Aida Macapagal at Mark Jalandoni. Ang ikalawang pagdinig ay ay itinakda sa Setyembre 12.

Kabilang sa dumalo sa isinagawang paunang pagdinig ay ang anak ni Nida na si Kaye Torres, ang lola ni Kaye na si Inocencia Aqueza, 88; alalay na si Elena dela Paz; Romulo Kintanar; Rogelio Saludin; Danilo Gonzaga; Elena Madrilejos; Pedro Pates; Emmanuel Tansingco at marami pang iba.

Binigyan naman ni Manabat ng 15 araw ang NBI upang ihain lahat ang mga dokumento at ebidensiya sa nasabing kaso at ito ay sasagutin din ng lahat ng mga akusado sa loob din ng 15 araw.

Binalewala naman ng DOJ panel ang mosyon ng NBI na iharap ang ilan sa mga sinasabing ebidensiya sa krimen kabilang dito ang kitchen knife, isang pares ng polo shirt, pantalon, kulay brown na sapatos at puting medyas.

Ibinasura din ng DOJ ang kahilingan naman ng abugado ni Strunk na iprisinta ang footprints, shoe prints at handprints sa pinangyarihan ng krimen.

Tatlong material witness ang iniharap ng NBI sa DOJ na magdidiin kina Strunk at Medel , ito ay sina Rogelio Saludin, Romulo Kintanar at Leonilo Gonzaga.

Tiwala naman si Kaye na makakamit nila ang katarungan sa kasong pagpaslang sa kanyang ina. (Ulat ni Gemma Amargo)

DANILO GONZAGA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELENA MADRILEJOS

EMMANUEL TANSINGCO

GEMMA AMARGO

INOCENCIA AQUEZA

KAYE TORRES

LEONILO GONZAGA

ROGELIO SALUDIN

ROMULO KINTANAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with