Dating konsehal ng Maynila patay sa ambus
August 11, 2002 | 12:00am
Namatay ang isang dating konsehal ng Maynila matapos na tambangan ito ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan habang lulan ng kanyang sasakyan kahapon ng hapon sa Binondo, Manila.
Kinilala ng WPD-Homicide Section ang biktimang si Chika Go, dating konsehal sa ika-3 distrito ng Maynila sanhi ng tinamo nitong limang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pananambang sa biktima dakong alas-2:30 ng hapon sa Reina Regente St., Manila, habang lulan ito ng kanyang sasakyang Pajero kasama ang kanyang driver.
Sa salaysay ng driver na si Abel Polancos Sr., 31, galing umano sila ni Go sa Chinese Gen. Hosp. kung saan dinalaw nito ang kanyang inang may sakit at papauwi na umano sila ng bahay.
Ayon pa kay Polancos, pagsapit nila sa naturang lugar ay nahinto ang kanilang sasakyan dahil sa trapik.
Ilang saglit lamang, isang di-kilalang armadong lalaki ang lumapit sa kanilang sasakyan at agad na pinaulanan ng bala ang biktima na nakaupo sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.
Matatandaang inambus na rin ang dating konsehal may isang taon na ang nakakaraan na ikinasugat ng anak nitong babae at ikinamatay ng kanyang driver.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nasabing insidente kung saan tinitingnan ang anggulong may kinalaman sa pulitika o kaya naman ay katunggali nito sa negosyo. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest